IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Ang Kuba ng Notre Dame
Sagot:
Ang kwentong “Ang Kuba sa Notre Dame” ay naganap sa taong 1482, na kung saan ang mga taong taga-Paris ay may malakas na paniniwala sa mga simbahan o Katedral. Madalas na sumasangguni ang mga tao sa mga opisyal ng simbahan. Ang simbahan nang mga panahong iyon ay kinikilala sa kanyang kapangyarihan at impluwensiya. Ang kuwentong ito ay imikot sa isang kuba na nagngangalang Quasimodo, isang kuba sa Notre Dame na may malahalimaw na itsura at kadalasang pinagtatawanan o kinatatakutan ng mga tao.
Ang mga tauhan sa kwento ay mayroon ding koneksyon sa katedral o simbahan:
- Quasimodo-inabando ng kanyang ina at kinupkop ng simbahan
- Esmeralda- isang “gypsy” na ayaw sa paniniwala ng opisyales ng simbahan
- Claude Frollo- Archdeacon ng simbahan na may galit sa mga gypsy
May mahalagang papel ba ang katedral sa kwento?
Mahalaga ang naging papel ng katedral sa kwento dahil dito naganap ang pinaka mahahalagang tagpo ng mga pangyayari sa kwento. Ito may malaking kinalaman sa kinahantungan ng bawat isang karakter. Isang paring may masasamang balak na nagtatago sa likod ng prinsipyo ng katedral ng Notre Dame. Isang kuba na nagtatago sa katedral bilang sanggalang sa mga mapanlait na lipunan, Maliban sa pagiging lugar ng mga pangyayari, ang katedral ng Notre Dame ay kilala sa pagiging simbolo ng arkitekto at relihiyon ng Paris.
Para sa iba pang impormasyon tulad nito i-click ang mga link sa ibaba:
Buod ng kuba ng Notre Dame: https://brainly.ph/question/200729
Tagpuan sa kuba ng Notre Dame: https://brainly.ph/question/812518
Kulturang masasalamin sa ang kuba ng Notre Dame: https://brainly.ph/question/405356
Salamat sa iyong presensya. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.