Sa akdang “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa”, masusulyapan mo
kung paano naghahangad ng simpleng uri ng pamumuhay ang mga taga Egypt na namumuhay sa sopistikadong henerasyon.Ito ay isang tulang nasulat noong panahon ng Bagong Kaharian (1570-1085 B.C.) ng Sinaunang Egypt. Ito ang panahon ng pagapapalawak ng Empire ng Egypt at panahon ng napakasopistikadong pag-usbong ng kultura nito. Matutukuklasan dito kung bakit mahalagang unawain ang tulang pastoral ng mga taga-Egypt na nagpapakita ng pagnanais nila ng simpleng buhay sa gitna ng komplikadong sitwasyon ng kanilang panahon.
Ang tulang ito ay isinalin ni Vilma C. Ambat. mula sa Ingles na salin ni William Kelly Simpson.