IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Narito ang isang tula na may 12 na saknong:
Ang Habilin ni Ama
ni: Avon Adarna
Pumipintig lagi sa aking unawa,
Ang habilin ninyo sa aking gunita,
Hindi mahalaga itong gantimpala,
Higit na mainam - itong ating kapwa.
“Ikilos ang lingap, igawa ang kamay,
Sa unos at bagyo’y sumagip ng buhay
H’wag alalahanin ang premyo at alay,
Na matatamasa sa iyong pagdamay.
Yakapin ang kapwa sa pamamagitan,
Ng bukas na palad ng pagtutulungan,
Itong mga taong nangangailangan,
Sagipin sa luha, kusang saklolohan.
Laging isaisip na makabubuti,
Ang magsilbing lugod sa nakararami,
Magbigay ng sinag kahit pa nga munti,
Mas mainam kaysa sa yamang malaki!
Ang ngiti’t halakhak sa dibdib at puso,
Ihain sa ibang may luhang bumugso,
Tiyak magagalak ang Langit at Berbo,
Paglalaanan ka nitong paraiso.
Ang kasaganaan malunod man ngayon,
Umasa ka pa ring may dahil ang gayon,
Di man makalangoy sa imbay ng alon,
Makakamit pa rin sa huling panahon!
Kaya nga piliting umiba ng landas,
Itong mga kamay, gagapin ang palad,
Akayin mo sila sa langit ng pantas,
Upang malasahan ang tamis ng katas!
Maging alipin kang pinakamababa
Ng ating dakilang Poon at Bathala
Tangi mong ibigin na maisagawa
Ay maging tulayan sa anumang hidwa!”
_________________________________________________________
Maaaring makatulong ang mga sagot sa sumusunod na tanong:
> Tula tungkol sa pag-ibig na may sukat na 12,4 na taludtod at 8 saknong - https://brainly.ph/question/387009
Ang Habilin ni Ama
ni: Avon Adarna
Pumipintig lagi sa aking unawa,
Ang habilin ninyo sa aking gunita,
Hindi mahalaga itong gantimpala,
Higit na mainam - itong ating kapwa.
“Ikilos ang lingap, igawa ang kamay,
Sa unos at bagyo’y sumagip ng buhay
H’wag alalahanin ang premyo at alay,
Na matatamasa sa iyong pagdamay.
Yakapin ang kapwa sa pamamagitan,
Ng bukas na palad ng pagtutulungan,
Itong mga taong nangangailangan,
Sagipin sa luha, kusang saklolohan.
Laging isaisip na makabubuti,
Ang magsilbing lugod sa nakararami,
Magbigay ng sinag kahit pa nga munti,
Mas mainam kaysa sa yamang malaki!
Ang ngiti’t halakhak sa dibdib at puso,
Ihain sa ibang may luhang bumugso,
Tiyak magagalak ang Langit at Berbo,
Paglalaanan ka nitong paraiso.
Ang kasaganaan malunod man ngayon,
Umasa ka pa ring may dahil ang gayon,
Di man makalangoy sa imbay ng alon,
Makakamit pa rin sa huling panahon!
Kaya nga piliting umiba ng landas,
Itong mga kamay, gagapin ang palad,
Akayin mo sila sa langit ng pantas,
Upang malasahan ang tamis ng katas!
Maging alipin kang pinakamababa
Ng ating dakilang Poon at Bathala
Tangi mong ibigin na maisagawa
Ay maging tulayan sa anumang hidwa!”
_________________________________________________________
Maaaring makatulong ang mga sagot sa sumusunod na tanong:
> Tula tungkol sa pag-ibig na may sukat na 12,4 na taludtod at 8 saknong - https://brainly.ph/question/387009
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.