Ang ina ang tinatawag na "Ilaw ng tahanan". Bagamat sa modernong panahon, ang mga ina ay nagtatrabaho na para sa pangangailangan ng isang pamilya. Hindi ito dapat maging dahilan upang maligaw ng landas ang anak.
Mahalagang maibigay ng ina ang mga sumusunod:
1. Paggabay sa mga anak.
2. Pagturo ng tamang paguugali.
3. Pag alam sa mga suliranin ng anak.
4. Maging kaibigan na masasandalan ng anak sa oras ng pangangailangan.
Ang mga ito ay magagawa kahit na ang isang ina ay nagtatrabaho. Komunikasyon ang susi upang magawa ng maayos ng isang ina ang paggabay sa kanyang anak.