Sa aking personal na opinyon, ang kasarian ay kailanman
hindi dahilan o rason para magkaroon ng limitasyon sa iyong sarili lalung-lalo
na sa pagpapaunlad ng iyong sarili. Sa panahon ngayon kung saan pantay na at
magkatulad na ang pagkikilala ng lipunan sa babae at lalaki ay nagagawa na ng
bawat isa na gawin ang gusto nila hangga't hindi ito nakakasama sa iba. Ngunit
hindi natin maitatanggi na ang mga bakla at mga tomboy sa panahon ngayon ay
hindi pa masyadong tanggap sa lipunan dahil sa ideya ng diskriminasyon . Kung
pananatilihin lang ang pagiging bukas ng isipan ng mga tao ay wala naman
talagang dapat limitasyon dahil lamang sa kasarian ng tao.
Karapatan ng bawat isa na maging malaya hangga't walang natatapakang ibang karapatan.