Ang salitang habitat ay isang siyentipikong salita na nangangahulugang tirahan.
Sa siyetipikong kahulugan, ang habitat ay tumutukoy sa isang lugar kung saan naninirahan ang partikular na uri ng hayop o halaman. Ang isang lugar ay maituturing na habitat kapag mayroong sapat na pagkain, masisilungan at mga pangunahing pangangailangan ang mga hayop o halaman doon.