Ang parabulang " ang tusong
katiwala" ay isa sa mga salita ni Hesus na nakasulat sa banal na
kasulatan kung saan punung-puno ito ng aral at isinasalaysay sa paraang
madaling maiintindihan ng mga nakikinig at nagbabasa. Ito ay gumagamit ng mga
karanasang hango sa tunay na buhay ng tao upang lubos itong maramdaman at
maintindihan ng lahat. Layon nitong buksan ang kaisipan ng mga tao sa
kahalagahan ng pagtitiwala at pagpapanatili nito.