IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

Ano ang kahulugan ng maharlika

Sagot :

Ang kahulugan ng salitang maharlika sa tagalog ay dakila (grand), makahari (kingly; regal). Sa sinaunang barangay, ito ang pinakamataas na sangay sa lipunan na binubuo ng pamilya at kamag-anak ng datu.

Sa sinaunang lipunang Pilipino kabilang sa mga Maharlika ang mga mandirigma (warrior class). Sa salitang Kastila isinalin itong Hidalghos, na nangangahulugang taong malaya (freeman; freedman). Katulad sila ng mababang uri na tinatawag sa Visayas na Timawa. May pagkakamaling ginagamit ang terminong ito sa Filipino bilang royal nobility/royal blood (mga dugong bughaw).

Nagmula ang salitang Maharlika sa Sanskrit na maharddhika, na isang titulo para sa isang mayaman, matalino, o maabilidad na tao.