Karagatan - ang tulang ito ay ginagamit sa laro. Kadalasan itong ginaganap sa namatayan o may lamay at may matandang tutula ukol sa paksa ng laro. Mayroon tabong papaikutin, at kung saan matatapat ang hawakan ng tabo ay syang sasagot sa tanong ng isang dalaga na may matalinhagang bugtong at matalinhagang sasagot ang binata. Ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesa na nahulugan ng singsing habang siya'y naglalakbay sa karagatan . Kung sino man ang makakita ng singsing ay siyang mapapakasalan ng prinsesa.Duplo - ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay.