Makakuha ng eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Wika
- Ang paggamit o pag-aaral ng wika ay naging bahagi na ng ating pang araw-araw na buhay. Ito ay ginagamit natin upang makipag-usap at makipag komunikasyon sa iba’t-ibang mga tao na ating nakakasalamuha. Ayon sa pag-aaral ay tinatayang mayroong anim na libo hanggang pitong libo ang mayroon sa daigdig depende sa pagpapakahulugan ng wika.
- Ang mga siyentipikong tao naman responsible sa pag-aaral ng wika ay tinatawag na mga lingguwistika. Ang salitang lengguwahe ay nagmula sa salitang Latin na lingua na mayroong ibig sabihin na ‘dila’. Ito ay dahil isa ang dila sa ating ginagamit upang makabuo ng maraming kombinasyon ng tunog at salita. Anumang uri ng ekpresyon o paghahatid ng damdamin o impormasyon, may tunog man ito o wala ay matatawag natin na wika.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Wika
- Nagkakaroon ng maayos na pakikipag talastasan sa iba.
- Naisasalaysay ng maayos ang nais iparating na impormasyon o maging ang damdamin.
- Mas higit na napapahalagahan ang wikang taglay.
- Natututuan ang iba’t-ibang uri pa ng mga wika.
- Nakikita ang taglay na yaman ng bawat wika.
- Natututo tayo na magkaroon ng respeto hindi lamang sa wika ng iba kundi maging sa kultura nila.
- Mas nauunawaan ang mga bagay na maaaring hindi nauunawaan noon.
- Lumalawak ang ating kaalaman ukol sa maraming bagay.
Dalawang Kategorya na Ginagamit sa Wika
- Pormal
Karaniwang pamantayan o uri ng pakikipagusap na katanggap-tanggap sa higit na nakararami. Ito ay mas kinikilalang gamitin lalo na ng mga taong nakapag-aral ng wika. Ito ang gamit sa mga usapang pormal tulad ng usapang pakikipagnegosyo, usapang pakikipagkasundo, usapang legal at maraming pang iba. - Di-Pormal o Impormal
Ito naman ang madalas na ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag-usap sa ibang tao lalo na kung ang taong iyon ay kalapit at mayroong lalim na relasyon. Ginagamit ito sa mga di pormal na usapan katulad ng pakikipagbiruan o pakikisama sa grupo ng mga kaibigan.
Para sa Karagdagang Impormasyon
Kahulugan ng Wika:
brainly.ph/question/398553
#SPJ2
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.