Ang nais ni Mathilde sa buong buhay niya ay magiging tampok sa lahat ng kababaihan. Bukod sa kanyang kagandahan at mapanghalinang katangian, gusto niyang siya lang ang sentro ng atraksyon sa lahat lalo na sa isang kasiyahan kung saan maraming tao ang dadalo. Sa kasawiang palad, siya ay napabilang sa angkan ng tagasulat, kaya naman labis niya itong pinangarap at ito ang kanyang lubos na pangarap.