IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

Ano ang daglat ng kagalanggalang

Sagot :

Ang daglat ng Kagalanggalang ay Kgg. Ito ay isang titulo na ginagamit sa pagbibigay galang sa matataas na tao sa lipunan. Halimbawa ng mga ito ay ang mga opisyal ng pamahalaan, diplomat at mga pinuno ng mga organisasyong pandaigdig. Sila ay ginagamitan ng Kagalanggalang, nasa serbisyo man o retirado na. Sa Ingles, ito ay Honorable.

Ano ang pagdadaglat?

Ang pagdadaglat ay ang isang paraan ng pagpapaikli ng salita ngunit pareho parin ang ibig sabihin. Ang mga daglat ay kadalasang nagsisimula sa malaking titik. Nagtatapos din ito sa tuldok. Maaari rin naman na gamitin ang mga inisyal ng pangalan. Ang halimbawa ng mga salitang dinadaglat ay mga ngalan ng buwan, araw, tao o lugar.

Mga Halimbawa ng Pagdadaglat

Narito ang ilang halimbawa ng mga salita at ang kanilang daglat upang mas maunawaan ito:

  • Lunes - Lun.
  • Miyerkules - Miyer.
  • Sabado - Sab.
  • Pebrero - Peb.
  • Abril - Abr.
  • Setyembre - Set.
  • Gobernador - Gob.
  • Kapitan - Kap.
  • Senador - Sen.
  • Binibini - Bb.
  • Ginang - Gng.
  • Ginoo - G.
  • Santa - Sta.
  • Santo - Sto.
  • Jose P. Rizal - JPR
  • University of the Philippines - UP
  • Department of Health - DOH
  • Doktor - Dr.

Mga karagdagang halimbawa ng mga daglat ng salita:

https://brainly.ph/question/2073308

#LearnWithBrainly