Ang Mesoamerika (Kastila: Mesoamérica, nangangahulugang "gitnang Amerika", sapagkat ang meso ay may ibig sabihing "gitna" o "panggitna") ay isang rehiyong pangheograpiya na nagsisimula mula sa paligid ng Tropiko ng Kanser sa gitnang Mehiko at nagwawakas malapit sa Costa Rica. Ang kataga ay natatanging ginagamit na pantawag sa mga katutubong mga tao at mga kultura na dating naroon bago sinakop ng mga Kastila ang rehiyong iyon.