Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang anyo
ng tubig at Lupa. Ilan sa mga rehiyon at lugar ng bansa ay may mga tampok na
anyong lupa. Ang Bulkang Makiling na
matatagpuan sa lalawigan ng Laguna ay halimbawa
ng bulkang sumasabog sa Pilipinas. Ang
bukal naman ay isang anyo ng tubig na nanggagaling sa ilalim ng lupa . May mga maiinit at malalamig na Bukal sa bansa. Karamihan
sa mga ito ay natatagpuan sa Luzon tulad
ng maiinit na Bukal ng Calamba at Los Banos sa Laguna.
Ang bansang Pilipinas din ay kilala sa
magaganda nitong mga talon na dinarayo ng
mga turista. Isa sa mga ito ay ang Talon ng Pagsanjan sa Laguna. Ang iba pang talon sa
Pilipinas ay ang Talon ng Tamaraw sa Mindoro,Hinulugang Taktak sa
Antipolo, Daranak sa Rizal, Katibawasan sa Camiguin, at Blanca Aurora sa Gandara , Samar.
Ang isa pang anyo ng tubig na makikita sa
bansa ay ilog. Ito ay isang anyong tubig na dumadaloy patungo sa dagat. Ito ay ginagamit
sa pagdadala ng mga produkto sa ibang lugar. Maganda rin itong patubig sa mga bukirin. Ang ilan pa sa mahahalagang ilog ay ang Abra at
Laoag sa Ilocos, Agno sa Pangasinan , Pampanga
at Angat sa Gitnang Luzon, Pagsanjan sa Laguna, Marikina sa Rizal, Chico, at Magat sa Lambak ng Cagayan.
Salamat sa iyong presensya. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.