Ang maritime o insular ay tumutukoy sa mga
katubigang nakapaligid sa isang bansa. Ang Pilipinas bilang isang kapuluan ay
inaasahang pinapalibutan ng mga dagat at karagatan kung kaya't ito
ay nakahiwalay sa ibang mga bansa sa Asya ayon sa lokasyong insular
nito. Magiging malaki itong kapakinabangan ng ating bansa sapagkat magkakaroon sila ng bagong pinagkukunang yaman mula sa mga
anyong-tubig na nakapaligid dito. Maaari din itong magpapalakas ng turismo ng
lugar kapag mas nalinang na ang mga yamang tubig na ito sa paligid ng mga bansa.