Ang pag-unlad ng
isang bansa ay nakasalalay sa mga taong naninirahan dito. Ang isang bansa na
mayroong pamilya at pamayanang handa ay napakagandang katuwang sa pag-unlad.
Kailangan na ang bawat pamilya ay mayroong sapat na kaalaman at kakayahan upang
pamahalaan ang sari-sariling pamilya nang sa ganoon ay magiging handa itong
makibahagi sa isang mas malaking komunidad gaya ng pamayanang tinitirhan. Ang
pag-unlad ng isang bansa ay nakadepende sa pagsisikap at pagmamalasakit ng
bawat mamamayan at pamilya ng bansa