Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Ang Kapatagan o Plains ito ay tumutukoy sa malawak na lupaing patag na maaaring sakahan at taniman. Dito sa atin sa Pilipinas ang Gitnang Luzon ang Kamalig ng Pilipinas sapagkat ito ang pinakamalawak na kapatagan ng ating bansa kung saan nagmumula ang malaking produksyon ng palay sa bansa
Halimbawa ng kapatagan sa PIlipinas
- Zambales
- Bataan
- Bulacan
- Tarlac
- Pampanga
- Panay
- Cotabato
- Pangasinan
- Leyte
- Bicol
- Misamis Occidental
Mga anyong Lupa dito sa Pilipinas
- Bundok
Ito ay tumutukoy sa pinakamataas na anyong lupa na matulis ang tuktok.Halimbawa ni ay ang bundok Apo.
- Lambak
Ito ay tumutukoy sa isang patag na lupa sa pagitan ng bundok. Halimbawa nito ay ang lambak ng Cagayan.
- Kapatagan
ito ay tumutukoy sa isang malawak na patag na lupa. Ang halimbawa nito ay ang kapatagan ng gitnang Luzon.
- Talampas
Ito ay tumutukoy sa isang patag na lupa sa itaas ng bundok, Ang halimbawa nito ay ang lunsod ng Baguio.
- Bulkan
Ito ay tumutukoy sa mataan na anyong lupa na mayroong bunganga sa tuktok. Ang halimbawa nito ay ang Bulkang Mayon.
- Bulubundukin
Ito ay tumutukoy sa magkadugtong na hanay ng mga bundok. ang halimbawa nito ay ang Sierra Madre
- Burol
ito ay tumutukoy sa mataas na anyong lupa na mas maliit kaysa bundok. ang halimbawa nito ay ang Chocolate Hills.
- Baybayin
Ito ay tumutukoy sa ang lupa na nasa tabing dagat. ang halimbawa nito ay ang Boracay.
- Pulo
Ito ay tumutukoy sa bahagi ng lupa na napapaligiran ng tubig ang halimbawa nito ay ang Camiguin
Buksan para sa karagdagang kaalaman
Kahalagahan ng anyong lupa at anyong tubig https://brainly.ph/question/35473
Kapakipakinabang ng anyong lupa https://brainly.ph/question/489828
Anyong lupa ng laguna https://brainly.ph/question/388032
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.