hindi tao hindi hayop gumagawa ng CDO --- BUWAN
kung kailan mo pinatay , saka pa humaba ang buhay --- KANDILA
nang sumipot sa maliwanag , kulubot na ang balat --- AMPALAYA
baboy ko sa pulo , ang balahiboy pako --- LANGKA
heto si kaka bubuka bukaka --- PALAKA
magandang prinsesa nakaupo sa tasa --- KASOY
butot balat lumilipad --- SARANGGOLA
hindi pari , hindi hari , nag dadamit ng sari-sari --- PARU-PARO
may puno walang bunga may dahon walang sanga --- SANDOK
hinila ko ang baging sumigaw ang matsing --- KAMPANA
nagbibigay na sinasakal pa --- BOTE
sa maling kalabit may buhay na kapalit --- BARIL
isa ang pasukan tatlo ang labasan --- KAMISETA
lumuluha walang mata lumalakad walng paa --- BALLPEN o PLUMA