IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

ano ang kahalagahan ng sewage system

Sagot :

Sewage System: Kahalagahan at Kahulugan Nito

Ang pagkakaroon ng maayos na sewage system ay mahalaga dahil sa mga sumusunod na dahilan:  

  • Ito ay isang mahalagang sangkap sa pagbuo ng imprastratura sa mga matataong lugar upang maiwasan ang pagbabaha.  
  • Upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit na mayroong kaugnayan sa maruming tubig.  
  • Sa ganitong sistema ay nakokontrol ang pagdaloy ng maruruming tubig patungo sa tamang pagdadaluyan nito.  
  • Nakakaiwas sa pagkakaroon ng water pollution sapagkat bago itapon ang mga tubig na nagmula sa sewage system, dumaraan ito sa proseso ng paglilinis.

Ano ang Sewage System?  

Isang sistemang binubuo ng iba't ibang uri ng tubo, mga pambomba, at imbakan ng tubig. Sa prosesong ito ay naaayos ang pagdaloy ng maruruming tubig, at nagkakaroon ng proseso upang malinis ito bago pa man tuluyang itapon.

#BetterWithBrainly

Mahalagang epekto ng pagkakaroon ng sewage system sa kapaligiran:

https://brainly.ph/question/2394670