Ipinakilala ni Estella Zeehandelaar ang kanyang sarili bilang babaeng nakatali sa isang lumang tradisyon na kailanma'y di pwedeng suwayin. Siya ay isang babaeng gustong makilala ang isang babaeng moderno. Buong kasabikan niyang sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip niya’y hindi siya nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng kanyang mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran. Gustuhin man yang kumawala sa lumang kaugalian na kanyang kinabibilangan ay ayaw din niyang masaktan ang mga taong nagnigay buhat, kabutihan at pagmamahal sa kanya.