Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

ano ang kaugnayan ng galaw ng tao sa heograpiya ​

Sagot :

Answer:

Limang Tema

Lokasyon

Ang lokasyon ay ukol sa mga kinaroroonan ng mga lugar sa Daigdig. May dalawang paraan para matukoy ang lokasyon:

Lokasyong Tiyak o Absolute – Ito ay isang paraan na nagagamit ang mga linyang latitude at longitude na bumubuo sa grid.

Lokayong Kaukulan o Relatibo – Isang paraan na kung saan ang batayan ay ang mga lugar na nakapaligid nito

Lugar

Tumutukoy ito sa mga katangiang natatangi sa pook. Katulad ng lokasyon, may dalawang paraan para matukoy ang lugar:

Katangiang Kinaroroonan – kabilang nito ang klima, anyong lupa, anyong tubig, at likas na yaman.

Katangiang Naninirahan na mga Tao – kabilang nito ang wika, relihiyon, populasyon, kultura at sistemang politikal.

Rehiyon

Bahagi ito ng Daigdig na pinagbubuklod ng mga magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.

Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran

Ito ay ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kanyang kinaroroonan.

Paggalaw

Tumutukoy ito sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa iba pang lugar. May tatlong uri ng distansya ng isang lugar patungo sa ibang lugar:

Distansya o Layo – Kung gaano kalayo ang lugar.

Oras o Panahon – kung gaano katagal papunta sa lugar nayon.

Sikolohial – Kung paano tiningnan ang layo ng lugar.

Ang kaugnaya ng galaw ng tao sa heograpiya ay ang pag aaral ng mga siyantipiko upang ating malaman nang lubusan ang ating daigdig.