Ang dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Babylonia ay ang pagsakop ng Kassite, Hittite at mga Assyrian.
Imperyo o Kabihasnang ASSYRIAN (900 BCE) ang sumunod na itinatag matapos ang Imperyong Babylonia.
Muling napag-isa ang Mesopotamia sa pamumuno ng mga Assyrian.
Sila ay mahusay sa pakikidigma at itinuring bilang pinakamalupit na tao sa sinaunang panahon.
Ang mga sumusunod ay ang mga namuno:
• Tiglath Pileser I- nagtatag ng imperyo
• Tiglath Pileser III- sumakop sa Syria at Armenia
• Sennacherib- sumakop ng 89 na lungsod at mahigit 200 daang pamayanan.
• Ashurbanipal- nagpagawa ng kaunaunahang silid aklatan sa daigdig na may 200,000 na tablaetang luwad.
Mga ambag
• Pinakaunang pangkat ng tao na nakabuo ng epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo.
• Epektibong serbisyo postal
• Maayos at magandang kalsada