Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Paano nga ba naipakikita ang pananalig sa diyos?
Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging Relihiyoso, Kaya naman hindi na mahirap sa atin kung papaano ba maipapakita ang ating pananalig sa Diyos. Sapagkat tayo ay likas na madasalin at nasa puso na natin ang laging pag-simba. Hindi nakakalimot na dumalo sa mga banal na misa kung araw ng Linggo o mga araw na dapat ay nakikinig tayo ng salita ng diyos, ang ilan naman sa atin ay nagpapakita ng pananalig sa panginoon sa pamamagitan ng hindi nila paggawa ng anumang mga gawain sa araw na pinaniniwalaan nilang araw ng Panginoon. Meron din namang mga tao na ipinakikita nila ang kanilang pananalig sa panginoon sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng salita ng panginoon, ang pagbabahagi nito sa iba,upang maging bukas ang isip ng iba sa kabutihan n gating Diyos. At meron din namang naipapakita ang pananalig sa panginoon sa pamamagitan ng hindi pagkain ng mga pagkaing pinaniniwalaan nilang ipinagbabawal na kainin natin.
Ibat-iba man ang ating paniniwala at paraan ng pagpapakita ng pananalig sa panginoon, mahalaga ay iginagalang natin ang bawat isa, inirerespeto ang kanilang paniniwala iyan ay pagpapakita narin na meron nga tayong pananalig at pagmamahal sa diyos, at ang mga gawang iyan ay tiyak na ikinatutuwa ng ating panginoon.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Paano mo higit pang mapaunlad ang iyong pananalig sa diyos? brainly.ph/question/2141793
Anong pagdiriwang sa pilipinas ang nagpapakita ng pananalig sa diyos
brainly.ph/question/2096876
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.