Hindi dapat tumigil sa pakikilahok sa pagpapatakbo ng estado kahit na marumi at magulo ang lipunang pampulitika sapagkat ito lamang ang natatanging paraan para mabigyan ng pagkakataon na marinig ang boses ng bawat isa at upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan ng bansa. Magulo man at madumi ang pulitika ngunit kailangang tiisin o kung maaari man ay linisin dahil responsibilidad natin na magmalasakit sa estado ng pulitika ng ating bansa bilang huwarang mamamayan dito.