Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

1.) Paano naganap ang pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan at iba pang aspeto ng pamumuhay?
2.) Ano ang iyong mabubuong kongklusyon tungkol sa sinaunang tao?

Sagot :


1. Ang pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan at iba pang aspeto ng pamumuhay ay malinaw na makikita sa kasaysayang naitala ng mga arkeologo. Ang mga kasangkapan ng mga sinaunang tao ay nagmula sa mga magagaspang na bato, sa pinakinis na bato, hanggang sa dumating ang lata at naging bakal na. Ito ay bunga ng malikhaing pag-iisip ng mga sinaunang ta.  Ang pamumuhay naman nila ay nagsimula sa pangangaso, palipat-lipat ng tirahan hanggang sa natuto silang mamalagi sa isang lugar, natutong magtanim, mag-alaga ng hayop at humabi hanggang sa natutunan nilang makipagkalakal.

2. Ang mga sinaunang tao ay matatalino at mapamaraan sapagkat nagawa nilang mabuhay sa loob ng mahabang panahon ng walang kahit na anumang pormal na pag-aaral sa mga bagay-bagay. Lahat ng kanilang mga naimbento ay bunga ng personal nilang karanasan sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan at pakikipaglaban sa mga likas na yaman at suliranin na galing mismo sa kapaligirang pinamumuhayan. Masasabi ko na, talagang matibay ang kagustuhan ng mga sinaunang tao na mabuhay dati kahit wala silang kahit na ano, kahit damit, permanenteng tahanan at maging pagkain.