IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

pagkakaiba ng karagatan at duplo s a mga tauhan

Sagot :

kaibahan ng karagatan at duplo:
Ang Karagatan
1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.
2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang
dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing.
4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang
nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing.
5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring
pagkaing-nayon.
7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.
8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.
9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan
ng dalaga ng talinghaga.
10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan
ng tabong may tandang puti.
11.Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang
sagutin ang talinghaga.
samantalang ang duplo naman ay:
Ang Duplo
1. Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ring
mauring tulang patnigan.
2. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay
duplera.
3. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.
4. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa
palad ng sinumang nahatulang parusahan.
5. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa
kaluluwa ng namatay.
6. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya
naman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng isang
bilyaka.
7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan.
8. Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang
namatay.
9. Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o
impromptu.
10. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haring tagahatol.