Limang Tema ng Heyograpiya
1. Lokasyon - kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig
a. Lokasyong Absolute - gamit ang latitude line at longitude line
b. Relatibong Lokasyon - batayan ang mga lugar at bagay sa paligid
- hal. anyong lupa at tubig, estruktura
2. Lugar - katangiang natatangi sa isang pook
a. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas na
yaman.
b. Katangian ng taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad, kultura at sistemang political.
3. Rehiyon - bahagi ng daigdig na pingbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o
kultural.
4. Interaksyon ng Tao at Kapaligiran - kaugnayan ng tao sa pisikal na taglay ng kaniyang kinaroroonan.
a. kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao: pakikiayon ng tao
sa pagbabagong nagaganap sa kapaligiran
5. Paggalaw - paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar:
kabilang din ang paglipat ng bagay at likas na pangyayari tulad ng
hangin at ulan.
a. Linear - gaano kalayo ang lugar
b. Time - gaano katagal ang paglalakbay
c. Psychological - paano tiningnana ang layo ng lugar