Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

ano ang kahulugan ng tatalikdan

Sagot :

Answer:

Kahulugan ng Tatalikdan

Ang salitang "tatalikdan" ay mula sa salitang ugat na "talikod". Ang ibig sabihin ng "tatalikdan" ay ang mga sumusunod:

  • papabayaan

  • iiwan sa likuran

  • tatalikuran

  • lilimutin ang pangako

Sa Ingles, ang ibig sabihin naman nito ay ang mga sumusunod:

  • to leave

  • abandon

  • turn one’s back on

Ang salitang tatalikdan ay tumutukoy sa pagtalikod natin, pagpapabaya natin, pag iwas o paglimot sa ano mang mga bagay na gusto nating takasan. Mga bagay na ayaw na nating bigyan pa ng pansin. Mga halimbawa ng mga bagay na kadalasang tinatalikdan ay ang mga problema, responsibilidad o obligasyon.

Halimbawang Pangungusap

  • Huwag mo sanang tatalikdan ang tungkulin mo bilang ama ng bata.

  • Nais umuwi ng probinsya ni Lola upang talikdan ang mga problema.

Kahulugan ng problema:

https://brainly.ph/question/290526

Halimbawa ng responsibilidad:

https://brainly.ph/question/239181

#LetsStudy