Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

C. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng Journal na may 200 na salita na sumasagot sa tanong nasa
ibaba tungkol sa nabasang Kaligirang Kasaysayan ng Ibong Adarna.
"Bakit mahalagang basahin at pag-aralan ang mga klasikong akdang Pilipino tulad ng
Ibong Adarna?




pakisagot plss​

Sagot :

Answer:

Ang pagbabasa ng mga klasikong akdang Pilipino kagaya na lamang Ibong Adarna ay nakakatulong sa kagaya na ating mag-aaral na lumawak ang ating isipan at lalong lalo na upang tayo may matutunan na mga aral sa mga klasikong akda na ating binasa, halimbawa nalang sa ibong Adarna ay ang Tumulong sa kapwa lalong-lalo na sa may nangangailangan.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit na mahalagang magbasa at pag-aralan ang mga klasikong akdang Pilipino ay upang maipamahagi naman natin ang ating mga natutunan ukol dito at kung ano ang storya ukol dito.

Ito rin ay nakakatulong sa paglawak ng ating kaisipan, kagaya na lamang ng pagiimahinasyon. Lumawak ang ating mga imahinasyon dahil sa ating mga binabasa na ginawa nating makatotohanan sa pamamagitan ng ating pag-iisip.

Ito rin ay nakakatulong na matuklasan natin ang ating mga kasaysayan sa ating bansa, dahil May mga ibang May akda na gumagawa ng istorya tungkol sa mga kasaysayan na naganap sa ating bansa.

At ang huli ay upang mapahalagahan natin ang mga klasikong akdang Pilipino na minsan ay nakakalimutan na dahil sa mga nagdaang henerasyon. Isa pa dito ay upang mapanatili natin ating pagiging Pilipino sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga klasikong akda. Ang mga ito ay hindi lamang nakakatulong sa ating kundi narin sa mga may akda na gumawa nito dahil sila ay nagsumikap upang tayo ay may matutunan at makapulot ng aral.

Hope this helps.

Sorry for the errors.

I did my best hehe