IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Ang maayos na samahan ng nga kasapi ng pamilya ang nagbubuklod dito tungo sa_____.​

Sagot :

Answer:

Ang maayos na samahan ng nga kasapi ng pamilya ang nagbubuklod dito tungo sa maayos na kumunikasyon o ugnayan ng bawat kasapi ng pamilya

▪︎Ano ang kumunikasyon sa loob ng pamilya

Ang kumunikasyon sa loob ng pamilya ay napakahalaga sa pagkakaroon ng malapit na unayan. Sa pamamagitan ng komunikasyong pasalita, di pasalita, o pasulat, naipapahayag natin ang ating pangangailangan, kagustuhan, at anumang impormasyon, balita man o kwento, na dapat pag-usapan. Bawat kasapi ng pamilya ay nagkakaroon ng pagkakataong maipahayag ang kanyang pag-aalala at pagmamahal para sa isa’t-isa. Nagkakaunawaan, nagpapatawaran, at inaayos ang problema sa pamamagitan ng tapat at bukas na pag-uusap ng pamilya. Sa isang pamilya, ang komunikasyon ay paraan ng pakikipag-usap at pakikinig sa mga sinasabi, iniisip, paano sinabi, bakit sinabi, kailan sinabi o sasabihin at nakaligtaang sabihin ng bawat miyembro ng pamilya. Ang kasanayan sa mabisa at tapat na komunikasyong natutuhan sa pamilya ay napatitibay sa pakikipagkapwa. Ito ay mahalagang susi sa isang malalim na ugnayan hindi lamang kundi sa mga kaibigan, kapitbahay, kaklase, guro, at iba pang taong nakakasalamuha sa araw-araw.

▪︎Mga Paraan upang Mapaunlad ang Komunikasyon sa Pamilya

1. Gawing madalas ang komunikasyon Hindi dahilan ang kawalan ng panahon at pagiging abala sa pag-aaral o pagtatrabaho sa pagkakaroon ng madalas na pag-uusap ng pamilya. Maaaring mag-usap habang nanonood ng telebisyon, kumakain, paghiga bago matulog at sa cellphone kapag magkalayo sa isa’t-isa upang magkamustahan.

2. Maging maliwanag at tuwiran ang pakikipag-usap sa isa’t-isa Nagiging maayos at napapanatili nito ang mabuting ugnayan. Kapag sanay ang pamilya sa ganitong kamunikasyon, higit na nagiging madali ang paglutas sa anumang problemang kanilang kakaharapin.

3. Maging aktibong tagapakinig Ang aktibong pakikinig ay paggalang, pag-unawa, at pagtanggap sa pananaw ng nagsasalita. Sa pamamagitan nito, mauunawaang mabuti ang sinasabi ng kausap.

4. Maging bukas at tapat sa isa’t-isa Ang mga ito kailangan upang magkaroon ng tiwala sa isa’t-isa. Ang mga magulang ang pangunahing kasapi ng pamilya na dapat manguna sa pagpapakita ng mga ito.

5. Alalahanin ang taong iyong kinakausap Hindi lahat ng miyembro ng pamilya ay pare-pareho ang paraan at antas ng pakikipag-usap. Kailangang intindihin lalo na ang mga batang kasapi na hindi pa masyadong nalilinang ang kakayahang magsalita at making.

6. Maging alerto sa mga di-pasalitang mensahe Maraming hindi mahilig sa mga ito, kaya ang paggamit ng di-pasalitang mensahe at senyas ay mahirap maintindihan. Sa ganitong sitwasyon, kailangang linawin at alamin ang ibig sabihin ng kausap.

7. Maging positibo Mahalaga ang pagpuri sa galing ng bawat isa at pagsuporta sa mga kasapi upang magkaroon ng maayos na ugnayan ang bawat miyembro ng pamilya.

Ang komunikasyon sa loob ng pamilya ay napakahalaga sa pagkakaroon ng malapit na ugnayan. Nagkakaunawaan, nagkakapatawaran, at inaayos ang problema sa pamamagitan ng tapat at bukas na pag-uusap ng pamilya. Ang kasanayan sa mabisa at tapat na komunikasyong natutuhan sa pamilya ay napatitibay sa pakikipagkapwa.Ayon sa aral ng gurong Hindu, ang pagmamahal ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon dahil ang tunay na pagmamahal ay pagkakaisa ng isip at puso ng dalawang tao. Hindi ito nangangailangan ng salita. Napakapayapa ng mundo kung ang lahat ay nagmamahalan.

#CarryOnLearning