. Mga Piyesta at Pagdiriwang sa France
Ipinagdiriwang ng mga
taga-France ang mga tradisyunal na piyesta ng mga Kristiyano tulad ng Pasko at
Mahal na Araw. Inaalaala din nila ang May Day, kilala rin bilang Araw ng
mga Manggagawa tuwing Mayo 1 at Araw ng Tagumpay sa Europa kapag Mayo 8 bilang
pag-alaala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa Europa noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ang Araw ng Bastille ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 14, ang
araw kung kailan ang fortress ng Paris ay binagyo ng mga rebolosyunista upang
masimulan na ang Rebolusyon sa France.