Habang patuloy na yumayakap ang buong mundo sa pag-usbong ng modernisasyon, globalisasyon, urbanisasyon at industriyalisasyon, ang pamumuhay ng tao ay unti-unti ding umangkop sa mga ito. Ang dating konserbatibo ay nahaluan na ng makabagong pag-uugali. Tulad ng mga Asyano, ang pagbabagong idinulot ng pamumuhay ng mga Asyano ay katumbas ng pagbabago ng istilo ng pagkabuhay sa mundo. Ang pagyakap sa mga iba't-ibang paraan o istilo ng pamumuhay ay mahalaga pa rin para sa kaunlaran hindi lang sa sarili kundi pati na rin sa buong Asya.