Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
10 halimbawa ng di-kilalang salita? At ang kahulugan ng di kilalang salita?
Ang di-kilalang salita ay mga salita hindi natin madalas ginagamit sa pang-araw-araw nating pakikipag-usap sa ibang tao. Dahil sa globalisayson at modernisasyon ng ating kapaligiran, maraming salita ang naipakikilala satin na ginagamit natin sa panahon ngayon. Dahil dito, marami ring salita ang nakakalimutan na at hindi na ginagamit. Kapag ang salitang natutunan sa nakalipas ay ginamit sa kasalukuyan ay tinatawag nating di-kilalang salita. Marami ang dahilan kung bakit pili lamang ang mga salitang ginagamit natin sa pakikipag-usap sa iba
Mga dahilan kung bakit may di-kilalang salita
- Pagpapakilala ng mga bago at nauusong salita - kung ano ang nauusong salita, iyon ang ginagamit natin sa pang-araw-araw nating pakikipag-usap. Dahil dito, ang iba pang salitang natutunan noon ay hindi na nagagamit. Halimbawa nito ay ang mga salitang endo (end of contract), ekis (hindi kasapi, hindi kabilang, ayaw mo sa kanya), legit (katunayan ng pagiging totoo at hindi peke), at ipa pa.
- Paggamit ng ibang wika o lengwahe - dahil sa globalisasyon at modernsasyon, maraming salita ang naririnig natin galing sa kultura ng mga banyaga. Kadalasan, ipinapalit natin ito at pinaghahalo ang mga salitang banyaga at sarili nating wika sa pakikipag-usap. Halimabawa nito ay: "Pabili po ng shampoo, yung kulay blue." Kung ilalapat natin it sa sarili nating wika, ganito ang magiging kahulugan: "Pabili po ng panggugo, yung kulay bughaw."
Halimbawa ng di-kilalang salita
- Salumpuwit - ito ay tumutukoy sa isang upuan
- Anluwage - ito ay tumutukoy sa isang karpintero
- Namamalakaya - ito ay tumutukoy sa pangingisda
- Dalubguro - ito ay tumutukoy sa guro sa kolehiyo
- Salipawpaw - ito ay tumutukoy sa isang eroplano
- Pagkandili - ang ibig sabihin nito ay pagmamalasakit
- Lulugo-lugo - ang ibig sabihin nito ay nanghihina
- Pakiwari - ang ibig sabihin ng salitang ito ay sariling opinyon
- Durungawan - ang ibig sabihin ng salitang ito ay bintana
- Dilidili - ang ibig sabihin nito ay pagbubulay-bulay
Para sa iba pang salitang hindi kilala, maaaring buksan ang link na ito:
- 60 halimbawa ng di pamilyar na salita https://brainly.ph/question/953674
#LearnWithBrainly
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.