Ang mural painting ay isang piraso ng likhang sining na
nilalagay o mailalapat nang direkta sa isang pader, kisame o iba pang mga
malalaking permanenteng kalatagan. Isang tanging katangian ng mural painting ay
ang mga arkitekturang sangkap na bigay ng puwang ay magkatugma at
magkabagay na pinagkaisa sa larawan.
Halimbawa nito ay ang mural painting sa Catal Huyuk na nagsisilbing rekord ng
mga naging tunggalian at pakikipaglaban ng mga sinaunang tao sa mga hayop upang
manatili sa iisang lugar at maging sa kabuhayan nila. Kadalasan sa mga ito ay nagpapakita ng
ugnayan ng tao at ng mga hayop. Ang mga hayop na nasa mga painting ay baka,
kabayo, usa, baboy-ramo.