Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng urio antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't -ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap,umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito