Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa dilaw na papel ang titik lamang ng tamang sagot. Isulat ang...
A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Ekonomiya;
B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Lipunan;
C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa
Pulitika; at
D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Relihiyon.
1. Paglaganap ng kaisipang tanging mga Aleman (German) ang magaling at nangungunanglahi sa daigdig.
2. Paglaganap ng kaisipan laban sa mga Hudyo dahil sa paniniwalang sila ang dahilan sakamatayan ni Kristo.
3. Pagkawasak ng buhay at ari-arian hatid ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
4. Pakikisangkot ng Rusya sa usapin ng mga Estado sa Balkan dahil sa kapwa Ruso na Greek Orthodox.
5. Pagbagal ng industrialisasyon at kalakalan dulot ng mga digmaang pandaigdig.
6. Pagpapalaganap ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ng mga Hapon sa kalakhang Asya.
7. Pagpapakilala ng mga Hapon na ang lahing Asyano ay mataas na lahi tulad ng mga Europeo.
8. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig ay pinamunuan at nakontrol ng Central Powers ang pamamahala laban sa mga natalo sa digmaan.
9. Paglalaban ng pamumuno sa pagitan ng mga Fascistang Nationalist Front at Sosyalistang Popular Army sa Espanya.
10 Paghinto ng suplay sa langis at pagpigil sa mga ari-ariang Hapones sa Estados Unidos.