Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at maaasahang mga solusyon. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
1. Pag-aalsa ng Estadong Kolonyal By: Samuel B. Rondina
2. Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang marami sa ating mga ninuno sa pananakop ng mga Español. Malaking hirap, pagmamalupit at pang- aabuso ang dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa nila sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Español sa Pilipinas.
3. Lakandula at Sulayman Naging matindi ang galit nina Lakan Dula at Sulayman at sila ay nag-alsa. Naganap ito sa Tondo noong 1574. Natigil lamang ang pag-aalsa ng mga Pilipino nang ibalik kina Lakan Dula at Sulayman ang kanilang karapatan.
4. Magat Salamat • Lalong matindi ang pag-aalsa ni Magat Salamat, anak ni Lakan Dula, kaysa sa naunang pag-aalsa ng kanyang ama at tiyuhin. Ang mga kasapi ay buhat sa iba’t ibang panig ng Gitnang Luzon at sa Pulo ng Cuyo at Borneo. Nakipagsabwatan din sila kina Juan Gayo at Dionisio Fernandez na magpasok ng mga sandata buhat sa Japan. Subalit sila ay hindi nagtagumpay dahil sa pagtataksil ng isa nilang kasamahan na si Antonio Surabao. Dahil dito, ikinulong at pinatay si Magat Salamat.
5. Ang Rebelyon ng Gaddang Dahil sa pagmamalabis ng mga Español, pinamunuan nina Felipe Catabay at Gabriel Taya gang paghimagsik ng mga Gaddang sa Cagayan Valley. Pinakiusapan sila ng Dominikong paring si Pedro de Santo Tomas na itigil na ang labanan. Dahil sa mahusay magsalita ang pari, nakining sila at sumuko.
6. Ang Rebelyon nina Bancao at Tamblot Naganap ang rebelyong panrelihiyon dahil nais talikdan ng ilang Pilipino ang Kristiyanismo. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno. Ang pag-aalsa sa Bohol ay pinamunuan ni Tamblot. Sa Leyte, ito ay pinamunuan ni Bancao. Nagpadala ang pamahalaan ng mga sundalong Español at sundalong Pilipino galing Cebu upang supilin ang rebelyon.
7. Sumuroy Ang mga taga-Samar ay pinamunuan ni Sumuroy dahil sa pagtutol ng mga Bisaya mula sa Samar na magpunta sa Cavite ayon sa kautusan ni Gobernador Diego Fajardo upang gumawa ng mga barko
8. Ang Rebelyon ni Maniago Pinamunuan ni Francisco Maniago ang rebelyon ng mga Kapampangan. Tinutulan nila ang sapilitang pagpapatrabaho. Hinarangan nila ang mga ilog para mapiglan ang pagdadala ng mga pagkain patungong Maynila upang magutom ang mga Español. Nahikayat ni Maniago ang mga taga- Pangasinan at Ilocos na sumama sa kanya. Nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng gobernador heneral at ni Maniago. Si Maniago at ang mga kasama nito ay pinangakuan ng mga Español na bibigyan ng malaking halaga. Hinayaan din silang gumawa sa kanilang mga bukid kayat natigil ang pag-aalsa.
9. Ang Rebelyon ni Malong Si Andres Malong ay naakit sa panawagan ni Maniago na mag-alsa laban sa kalupitan ng mga Español. Nag-alsa ang mga mamamayan ng Lingayen, Pangasinan noong Disyembre 15, 1660. Lumaganap ang pagbangon at nakisama rin ang mga taga-ibang bayan sa kilusan nila. Pinatay ng mga Pilipino ang gobernador at ibang malulupit na Español. Nagpadala si malog ng mga mensahero sa iba’t ibang lalawigan para hikayatin ang mga tao na makiisa sa kanila. Nanghina ang kanilang hukbo at nasukol sila sa mga Español sa bayan ng Binatongan (Lungsod ng San Carlos). Nabihag si Malong ng mga Español at ipinapatay.
10. Ang Pag-aalsa ni Tapar Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang isang bagong relihiyon na parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663. Tinutulan ng paring Español ang kilusang panrelihiyon. Sumugod ang mga tropa ng pamahalaan at nahuli si Tapar. Binitay siya kasama ng iba pa niyang kaibigan. Itinali ang kanilang labi sa poste upang makita ng mga taong bayan at hindi pamarisan.
Explanation:
#CARRYONLEARNING
PA BRAINLIEST PO
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.