IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

SLOGAN TUNGKOL SA IMPORMAL NA SEKTOR

patulong ​

Sagot :

Answer:

"Kahirapan sa bansa ay patuloy na umuusbong dahil dito, impormal na sektor ay lalong sumusulong."

Iyan ang halimbawa ng slogan tungkol sa impormal na sektor. Ang impormal na sektor ay ang sektor ng ekonomiya na hindi sakop ng pormal na sektor na legal. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa impormal na sektor ay narito.

I. Ano ang Impormal na Sektor? Ang impormal na sektor ay ang sektor ng ekonomiya na nasa labas ng pormal na sektor. Ang pormal na sektor ng ekonomiya ay dumaan sa legal na proseso at mga institusyon. Ang impormal na sektor ay tinatawag ding "Underground Economy". II. Ano ang mga Anyo ng Impormal na Sektor?

Ang mga anyo ng impormal na sektor ay ang mga sumusunod:

Illegal - Ito ay labag sa batas. Ang halimbawa nito ay ang human trafficking at ilegal na sugal. Di Nakarehistro - Ang mga ito ay walang mga kinakailangang papeles at dokumento. Ang halimbawa ng mga dokumento ay mga DTI permit o Mayor's Permit. Di Nakatala - Ang mga ito ay hindi kasama sa National Accounting System. Ang halimbawa nito ay mga konsultasyon na walang resibo. Counter-trade - Ito ay sa pamamagitan ng minimum foreign exchange na maaaring pumapanig sa isang panig o miyembro.

III. Tungkol sa Slogan

Ang slogan ay nagpapaliwanag na isa sa mga sanhi ng impormal na sektor ay ang kahirapan. Dahil sa kahirapan, gumagawa ng mga ilegal na gawain ang mga tao upang kumita ng pera. Maaari ka ring gumawa ng iyong sariling slogan tungkol sa nasabing paksa. Tandaan lamang na ang slogan ay maikli lamang at madaling tandaan.

Iyan ang halimbawa ng slogan tungkol sa impormal na sektor. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.

Mga detalye tungkol sa mga slogan:

Explanation:

paki brainliest p plsss