IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

LAS Week: 1-8 1 - Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa bawat tanong at ang titik ng tamang sagot.

1. Nagkaroon ng malaking impluwensiya ang mga mananakop na Kanluranin sa kultura, ekonomiya at politika ng nasakop na lupain sa Silangan at Timog-Silangan Asya. Paano sila hinubog ng kanilang karanasan?

A. Kumitil sa libong buhay ng mga Asyano

B. Naging hudyat ng digmaang pandaigdig

C. Nagbigay-daan sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo

D. Naging dahilan ng paglikas ng mga mamamayang Asyano patungo sa iba't ibang bansa sa daigdig

2. Ang pananakop at paniniil sa mga bansa sa Asya ang nagbigay-daan sa maraming kaguluhan sa buhay ng mga mamamayang Asyano. Paano naapektuhan ang damdaminng makabansa ng mga naging digmaan?

A. Nagpatuloy ang pakikibaka ng Asyano sa pamamagitan ng rebelyon

B. Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Asyano para sa kalayaan sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga makabayang samahan

C. Hindi nakarnit ng mga Asyano ang pagkakaisa upang labanan ang mga mananakop na Kanluranin.

D. Pinaubaya na sa mga Kanluranin ang kanilang bansa

3. Bilang isang Pilipino, paano mo pahahalagahan ang kalayaang tinatamasa ng ating bansa sa kasalukuyan?

A. Tangkilikin ang produktong gawa sa ibang bansa

B. Maging mapagmatyag sa mga nagaganap sa ating bansa

C. Maging isang responsableng mamamayang Pilipino

D. Magtrabaho sa ibang bansa upang makatulong sa ating ekonomiya

4. Bakit itinuturing na pinakamalagang pangyayaring naganap sa Asya ay ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

A. Dahil dito inasahan ng mga bansa na makakamit nila ang kalayaang minimithi

B. Dahil inaasahan nilang uunlad ang ekonomiya sa ilalim ng mga mananakop

C. Dahil muling mabibigyang pansin ang edukasyon sa ilalim ng kolonya

D. Dahil muling makakabangon ang mga bansa sa Asya mula sa Pagkasira

5. Ano ang naging implikasyon ng mga digmaang pandaigdig sa mga Asyano?

A. Maraming bansang Asyano ang lumaya sa kamay ng mga mananakop

B. Higit na naghirap ang mga bansang Asyano

C. Nagpatuloy ang pakikibaka para sa kalayaan ng kanilang bansa

D. Nagsawalang-bahala sa mga nangayari tungkol sa digmaang Pandaigdig


guys patulong please kailangan ko na po eh.. please ​