Ang panitikang Kastila ay ang panitikan sa Espanya o panitikan na nakasulat sa wikang Kastila (tinatawag ding Kastilyano, Kastelyano, o Espanyol). Ang pinakamaagang nalalamang mga tekstong Kastila ay nagmula pa sa ika-12 daantaon, na binubuo ng mga panulaan ng mga minstrel at mga kuwentong makabayani na inaawit ng mga tagaganap na naglalakbay. Para sa panitikan na nasa wikang Kastila sa Kaamerikahan, basahin ang panitikang Latino-Amerikano.