Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Answer:
Ang mga bansa ay hindi kayang umunlad o tumayo sa sariling paa upang matugunan at mapunaan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito. Kaya naman, upang magkaroon ng agarang pag-unlad at mabilis na pagresolba sa mga suliranin nito, sumasapi ang isang bansa sa mga pandaigdigang asosasyon gaya na lamang ng ASEAN, APEC, at United Nations. Sa pagsali ng bansa sa mga asosasyon at organisasyong ito, makakatanggap siya ng mga insentibo at tulong mula dito. Mahahanay siya sa mga iba pang bansa na kasapi dito.
Ang mga suliranin ng isang bansa ay hindi nalalayo sa mga suliranin ng iba pang bansa. Kaya naman ang mga bansang ito nagkakaisa upang gumawa ng mga programa at proyekto upang makagawa ng hakbang kung papaano gagawan ng solusyon ang mga suliraning nakaakibat na sa kanilang pag-unlad.
Ang pagkakaisa ng mga bansa ay hindi lamang naksalalay para sa kanilang pagkakaibigan bagkus ang ang kanilang interes. Ang bawat interest ng bawat bansa ang umiiral kapag nagkakaroon ng pagkakaiisa. Kaya't pag nagkaroon ng pagdedesisiyon at pagplaplano, tinitiyak ng mga bansa na mayroon silang sapat na benepisyo na makukuha dito.
Ikanga nila, walang tao ang kayang tumayo sa sariling paa. Ganun rin naman ang mga bansa. Kaya naman ang kanilang pagkakaisa ay nakaktulong sa paglutas ng mga problema na pareho nilang kinakaharap tungo sa kanilang pag-unlad.
Explanation:
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.