IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw na mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Answer:
Awit at Korido
Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang madalingmapalaganap at maipamulat ang Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan naman angkanilang hilig na mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na awit at Korido. Naging kilala ang mga ito, at naging mainam natagapag-ugnay sa mga manunulat at mambabasa.Dahil dito, ipinalagay ng mga dayuhan na ang mga ito ay ligtas at nakakatuwang libangan.Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong ng mga ito ay maynatatanging bilang o sukat at may magkakasintunog o magkakatugmang mga pantig. Ang Korido aysalaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ngkababalaghan. Ang awit namaíy salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mgatauhan at walang sangkap na kababalaghan.Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siyamarahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyangsubversive work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgascensura dahil nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoongmambabasa ito'y may maraming tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa imespanya.Isa sa mga halimbawa ng korido ay ang Ibong Adarna. Binubuo ito ng 1,172 na saknong. Ito aytumatalakay sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit napapalooban ng mga aral satotoong buhay. Isinasaad din sa akdang ito kung sa papaanong paraan malalagpasan ang mga pagsubok na kalimita'y dumadaig sa tao. Bagamat kilala ang akda, hindi tiyak ang taong sumulatnito. Sinasabing ito ay nagpasalin-salin na lamang mula sa maraming taong nagsalaysay. Dahil dito,ang Ibong Adarna ay tinawag na sanaysaying-bayan.
Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido
Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit
2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantala ang
awit ay may labindalawang pantig at inaawit
na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ngmga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob ditto
Kategorya ng Awit at Korido
Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala sa Pilipinas.Karaniwang nakasaad ang lagom [summary] ng akda, ang halaga niyon sa panitikan, at ang mgakritikang lumabas hinggil sa naturan. Halina't makiisa sa pagbubuo ng nilalaman nito.
Explanation:
Sana makatulong pa brainlest na lng po
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.