Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Sa pagsulat ng balita, mahalagang maihatid ang sumusunod na mga impormasyon sa mambabasa, maliban sa________. *
1 punto
A. Anong nangyari? Tungkol saan ito?
B. Sino ang kasangkot dito? Kanino ito nangyari?
C. Saan at Kailan ito nangyari?
D. Paano ito magugustuhan ng mga mambabasa?
2. Alin sa sumusunod ang katangiang dapat alamin sa pagsulat ng isang balita? I. Hindi ito nagbibigay ng anumang pagkiling II. Maligoy ang paglalahad nito ng mga pangyayari. III. Naglalahad ito ng katotohanan o tunay na nangyari. IV. Sariwa ang balita at pinag-uusapan sa kasalukuyan. V. Maikli at sapat lamang ang haba upang mabilis itong mabasa *
1 punto
A. I, III, IV, V
B. I, II, III, IV, V
C. I, II, IV, V
D. I, III, IV
3. Alin sa mga sumusunod ang katangian na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng editoryal? *
1 punto
A. Kawili-wili at maliwanag ang paglalahad nito ng paksa.
B. May kaiklian at hindi paligoy-ligoy ang paglalahad nito.
C. Nagbibigay ito ng makatarungang pangangatwiran at pagpapasya.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
Para sa bilang 4 at 5. Basahin ang balita sa ibaba at sagutin ang sumusunod na katanungan.
Taong Marunong ng 58 Wika

Si Ziad Fazah, isang Lebanese na kasalukuyang naninirahan sa Brazil, ay may natatanging kakayahan. Marunong siyang magsalita ng 58 wika ng iba't ibang bansa. Nagtatrabaho si Fazah bilang isang guro at tagasalin ng wika. May aklat din siyang isinulat tungkol sa mga paraang ginamit niya sa pag-aaral ng mga wika. Natutuhan niya ang Ingles at Pranses sa paaralan. Ang iba pang wika ay pinag-aralan niyang mag-isa o nag-self study siya noong edad 14-17.
Isa sa mga paraang ginamit ni Fazah sa pag- aaral ng mga wika ay ang paggising nang maaga at pagsambit o pagbigkas nang malakas ng mga salita sa wikang pinag-aaralan sa loob ng 20 minuto. Pagkatapos ay magbabasa siya ng mga pangungusap sa loob ng 2-3 minuto habang nakikinig nang matagal sa musika. Sa ganito, aniya, naitatanim sa kamalayan at isipan niya ang wikang pinag-aaralan.
4. Tungkol saan ang balita sa itaas? *
1 punto
A. Kapag may tiyaga, may nilaga
B. Ang pagiging dalubhasa ni Ziad Fazah
C. Isang Lebanese na nakapagsasalita ng 58 wika
D. Ang hindi maerunong magmahal ng sariling wika ay higit pa sa malansang isda.