1. Isulat ang T kung ang panguungusap ay nagpapahayag ng TAMA o wasto at M naman
kung MALI o hindi tama.
1. Maraming mga gawain ang malaki ang maiaambag sa pagpapabuti at
pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng ating kalikasan.
2. Ang mga uri ng sining na katulad nito ay nabibilang sa 3D o three-dimensional art.
Ito ay maaaring malaya ng makatayo, may taas at lapad, may anyong pangharap,
tagiliran at likuran.
3. Hindi kinakailangan ang sapat na balanse sa isang 3D art.
4. Ang mga kagamitan sa paggawa nito ay maaring luwad, kahoy, hibla ng
halaman, lumang papel, at iba pa.
5. Ang mga kasanayan at kaalaman sa paggawa ng mga likhang- sining tulad
ng mobile, papier mâché at paper beads at ang pagiging mapamaraan sa paglikha
ng mga obra ay maaring mapakinabangan bilang palamuti sa katawan at kapaligiran
6. Ito ay maaari ding mapagkakakitaan sa pamamagitan ng pagbenta dito na
lubos na makatutulong sa atin at maging sa pamilya.
7. Ang paper beads ay isang gawang sining na nagmula sa bansang Inglatera
na ginagawang libangan ng mga kababaihan kung saan ang mga paper beads ay
tinutuhog upang gawing palamuti o kurtina na inilalagay sa mga bintana.
8. Sa Pilipinas, nagkaroon na rin ng industriya ng paggawa ng paper beads.
Karaniwan itong ginagamit na pandekorasyon o kaya naman ay kwintas o pulseras.
9. Papier maché ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay nginuyang papel na
gawa mula sa piraso ng mga papel o durog na papel na binuo sa pamamagitan ng
glue, starch o pandikit.
10. Ang bayan ng Paete ay kilala sa taka o papier maché na siyang pangunahing
pinagkakakitaan ng mga mamamayan dito, pangalawa sa pag-uukit.
11. Ang mobile art ay isang uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang mga
bagay ay isinasabit sa mga tali, kawad at kabilya upang malayang makagalaw at
makaikot.
12. Ang pagkamalikhain ng mga Pilipino ay masasalamin sa iba't-ibang gawang
sining na likha na matatagpuan sa ibat-ibang lugar sa bansa.
13. Ang paggawa ng paper beads, papier mache at mobile arts ay isang
gawaing nakakalibang na maaring pagkakitaan kung gagamitan ng kaalaman
sa paglikha ng mga palamuti.
14. Ang paggawa ng paper beads ay isang gawaing nakalilibang na maaarina
pagkakitaan kung gagamitan ang kaalaman sa paglikha ng mga palamuti.
15. Ito ay nagmula pa sa bansang Inglatera na kung saan ang mga
kababaihan ay matiyagang nagbibilot ng maliliit na papel upang mar.
matuhog para gawing palamuti sa katawan, gayundin upang ma
bahay tulad kurtinang gawa sa tinuhog na beads.