IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

anu ang kahulugan ng nagbubuklod

Sagot :

Ang kahulugan ng salitang "nagbubuklod" ay ang dahilan ng pagsasama-sama o pagkakaisa.

Ano ang kahulugan ng salitang nagbubuklod?

Ang nagbubuklod ay mula sa salitang-ugat na buklod. Ito ay nasa anyong pandiwa, o salitang kilos, na may aspektong pang kasalukuyan. Narito pa ang ibang aspekto ng salitang buklod:

  • Pang nagdaan - nagbuklod
  • Pang kasalukuyan - nagbubuklod
  • Pang hinaharap - magbubuklod

Maaari ring gamitin bilang pangngalan ang salitang buklod. Ang anyong pangngalan nito ay "bukluran" na ang ibig sabihin ay pagkakaisa o kapisanan.

Mga halimbawa ng paggamit ng salitang "nagbubuklod" sa pangungusap:

  1. Ang pagmamahal sa bansang Pilipinas ang nagbubuklod sa mga mamamayang Pilipino sa kabila ng kanilang pagkakaiba-iba ng paniniwala.
  2. Ang aming mga magulang ang nagbubuklod sa aming pamilya kahit na may mga sariling buhay na kaming magkakapatid.
  3. Ang ating pagkakaibigan ang magbubuklod sa atin hanggang sa ating pagtanda.
  4. Ang bukluran ng mga manggagawa ang dahilan kung kaya't mas madali nilang naipaglalaban ang kanilang mga karapatan.

Tignan ang link na ito para sa iba pang detalye tungkol sa salitang nagbubuklod:

https://brainly.ph/question/827977

#SPJ5