Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang
anyo nito ang pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo. Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o "tunay na wika" sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino nasa labas ng Pilipinas. Ito ang wika ng kaunlaran sapagkat, ang paggamit ng wikang pambansa ay nagdudulot ng pagkakaunawaan at pagkakaintindihan. Ang pagkakaunawaan ay magreresulta ng pagkakaiisa at ang pagkakaiisa ay magbubunga ng kaunlaran.