IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Sagot:
Oo naman, dahil ang ating likas na yaman ang panimula sa pagkukunan ng pangunahing pangangailangan sa buhay tulad ng pagkain at tubig. Kasama rin dito ang pagtugon sa atin kagustuhan tulad ng kagamitan na yari sa kahoy na maaaring ipagbenta. At nariyan rin ang mga bagay na puwedeng gawing alahas at iba pa.
Paliwanag:
Malaki ang kapakinabangan ng likas na yaman sa buhay natin. At halos lahat ng bagay ay dito nanggagaling. Makikita natin sa bahay palang natin ang pinagmumulan nito galing mismo sa likas na yaman. Kaya patunay ito na hindi mabubuhay ang mga tao kung wala nito. Isang paglalaan at pagpapala ito sa ating mga tao upang mapakinabangan ng husto.
YAMANG LUPA AT YAMANG TUBIG
Sa ating mga pangangailangan, nariyan ang likas na yaman upang matugunan ang ating pagkain at hanapbuhay. Ang ilan sa mga ito ay mga prutas, gulay, palay, bigas at iba’t ibang uri ng halamang gamot. Gayundin, may kaugnayan sa yamang tubig, napapakinabangan natin ito dahil rin sa pagkain na nakukuha dito tulad ng mga isda.
YAMANG MINERAL
Sa kabilang banda naman, sa yamang mineral, nakikkinabang tayo rito sa pamamagitan ng mga kagustuhan natin tulad ng mga diyamante, alahas na gawa sa ginto at iba pang uri ng bato. Nasisiyahan tayo sa pagkakaroon ng mga ito dahil kalimitan isa itong uri ng “investment”. Nariyan rin ang marmol na nagagamit sa ngayon sa ating tahanan na mga tiles.
YAMANG GUBAT
Nariyan rin ang yamang gubat na pinagkukuhanan ng mga punongkahoy upang gawin nating mga bahay at iba pang estraktura. Kasama rin dito sa yamang ito ang mga hayop na nagpapaganda sa isang kapaligiran. At sa kabilang panig ay nagsisilbing pagkain ang ilan.
Ano ang likas na yaman?
- Ito ay mga bagay na nakukuha mismo sa ating kalikasan. At ito ay ay hindi tinuturing na gawa ng tao, kundi ng Diyos.
- Nahahati sa apat na uri ang likas na yaman, ito ang yamang lupa, yamang tubig, yamang mineral at yamang gubat.
Para sa higit pang impormasyon may kaugnayan sa paksa, maaaring makapagbasa dito sa link:
- Mga uri ng likas na yaman at mga halimbawa nito
brainly.ph/question/356024
#BrainlyEveryday
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.