Ang Catal Huyuk ay isa sa mga unang pamayanan ng mga sinaunang tao noon.
Ang mga tao sa Catal Huyuk noon ay gumagamit ng mga kasangkapang mula sa pinakinis
na mga bato.Tanyag din ang paraan ng paglibing ng kanilang mga patay dati kung saan inililibing lamang nila sa loob ng kanilang
bahay ang kanilang mga patay. Dito nagsimula ang sining ng paghahabi at paggawa ng
mga palayok ay isang paraan din ng hanapbuhay ng mga tao. Pagtatanim at pangangaso ang ikinabubuhay ng mga tao kung kaya't naaalagaan na ang mga kapatagan noon.