Ang sinisimbolo ng korona ng hari ay awtoridad. Awtoridad sa
pagpapalaganap ng batas, awtoridad sa pagpataw ng parusa at awtoridad sa
pagbabahagi ng kaginhawaan para sa kanyang sinasakupan. Mahalaga ang bahaging
ginampanan ng hari bilang pinuno lalo na sa sinaunang pamayanan sapagkat ang
nagpapanatili s kaayusan at pagkakaisa ng mga tao sa bawat lipunan ng
kinabibilangan. Ang hari noon ang nagsisilbing tagapagpalaganap, tagpagbatas at
tagapagparusa.