IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

anu ang kahulugan  ng  ,,,,,; lugar  , lukasyon , rehiyon  ,paggalaw , at   ,  interaksyon ng tao s kapaligiran

Sagot :

LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA

  1. LUGAR
  2. LOKASYON
  3. REHIYON
  4. PAGGALAW
  5. INTERAKSYON NG TAO SA KAPALIGIRAN

LUGAR

Ang lugar ay tumutukoy sa katangian na natatangi sa isang pook. May dalawang paraan sa pagtukoy sa isang lugar: ang una ay ang katangian ng kinaroroonan ng isang lugar at ang pangalawa ay ang katangian ng mga taong nakatira sa lugar.

LOKASYON

Ang mga kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig ang siyang tinatawag na lokasyon. May dalawang paraan para matukoy ang lokasyon ng isang lugar: ang Lokasyong Absolute at Relatibong Lokasyon.

REHIYON

Ang rehiyon naman ay tumutukoy sa bahagi o parte ng daigdig na pinagbuklod-buklod ng magkakatulad na pisikal at kultural na katangian.

PAGGALAW

Ang paggalaw ay tumutukoy sa paglipat ng tao o indibidwal sa isang lugar patungo o papunta sa iba o bagong lugar. Kabilang na dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari tulad ng hangin at ulan.

INTERAKSYON NG TAO SA KAPALIGIRAN

Ang interaksiyon ng tao sa kapaligiran ay tumutukoy sa ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran. Ang kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao.

Dagdag na babasahin:

Ano ang heograpiya?

https://brainly.ph/question/320469

Heograpiya ng Asya

https://brainly.ph/question/126990

Saklaw ng heorapiya

https://brainly.ph/question/118352

#LetsStudy